<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=12412472&amp;blogName=muni-muni+ng+taong+walang+magawa&amp;publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&amp;navbarType=TAN&amp;layoutType=CLASSIC&amp;searchRoot=http://derf79.blogspot.com/search&amp;blogLocale=en_US&amp;v=1&amp;homepageUrl=http://derf79.blogspot.com/&amp;vt=4938140305441280619" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" allowtransparency="true" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div></div><!-- --><div id="b-navbar"><a href="http://www.blogger.com/" id="b-logo" title="Go to Blogger.com"><img src="http://www.blogger.com/img/navbar/3/logobar.gif" alt="Blogger" width="80" height="24" /></a><form id="b-search" action="http://www.google.com/search"><div id="b-more"><a href="http://www.blogger.com/" id="b-getorpost"><img src="http://www.blogger.com/img/navbar/3/btn_getblog.gif" alt="Get your own blog" width="112" height="15" /></a><a href="http://www.blogger.com/redirect/next_blog.pyra?navBar=true" id="b-next"><img src="http://www.blogger.com/img/navbar/3/btn_nextblog.gif" alt="Next blog" width="72" height="15" /></a></div><div id="b-this"><input type="text" id="b-query" name="q" /><input type="hidden" name="ie" value="UTF-8" /><input type="hidden" name="sitesearch" value="rebarz99.blogspot.com" /><input type="image" src="http://www.blogger.com/img/navbar/3/btn_search.gif" alt="Search" value="Search" id="b-searchbtn" title="Search this blog with Google" /><a href="javascript:BlogThis();" id="b-blogthis">BlogThis!</a></div></form></div><script type="text/javascript"><!-- function BlogThis() {Q='';x=document;y=window;if(x.selection) {Q=x.selection.createRange().text;} else if (y.getSelection) { Q=y.getSelection();} else if (x.getSelection) { Q=x.getSelection();}popw = y.open('http://www.blogger.com/blog_this.pyra?t=' + escape(Q) + '&u=' + escape(location.href) + '&n=' + escape(document.title),'bloggerForm','scrollbars=no,width=475,height=300,top=175,left=75,status=yes,resizable=yes');void(0);} --></script><div id="space-for-ie"></div>

Busy ka ba? Pahiram muna ng konting oras mo, wala kasi akong magawa.

Thursday, May 26, 2005

Last Post

lumipat na po ako sa http://darkblak.dragweb.net/blog

please update your links. salamat po.


Wednesday, May 25, 2005

Pamasahe

Kagabi narinig ko sa balita na hindi daw matutuloy ang pag taas ng pamasahe sa darating na May 26, 2005. Magandang balita 'to para sa ating lahat lalo na sa mga tao na maliit lang ang kinikita. Isipin mo na lang dati ang pamasahe ko sa araw araw P50 lang, balikan na yan pag tumaas ang pamasahe magiging P72, ang laki ng nadagdag, eh yung P22 na nadagdag pang miryenda ko na yun. Malamang maraming matutuwa sa balitang ito, pero mas marami ang matutuwa kung itataas naman nila ang sahod ng mga manggagawa, isang malaking plus point yun kay Gloria kapag nagkataon.


Monday, May 23, 2005

Utang na Loob

Kahapon tungkol sa Utang na Loob ang topic sa "Rated K", bigla akong napaisip, bukod sa magulang ko kanino ba ako may utang na loob? Sabi nila ang utang na loob daw ay ang utang na hindi matutumbasan ng pera. Kung yan ang kahulugan ng utang na loob, marami na pala akong taong pinagkaka utangan. Pero hanggang kailan ba kailangang tanawin ang utang na loob? Hanggang makuntento ba ang taong pinag kakautangan mo? Anong basehan? Sa totoo lang hindi ko alam, hindi ko alam kung anong basehan at kung hanggang kailan tayo dapat tumanaw ng utang na loob. Siguro, para sa akin, sapat na yung makaganti tayo ng utang na loob dun sa taong pinagkaka utangan natin. Pero bakit ba natin gustong matapos ang utang na loob natin sa isang tao? Siguro dahil, in the first place, hindi mo gustong matulungan nung taong yun, ika nila eh no choice ka na. Ikaw hanggang kailan ka dapat magbayad ng utang na loob?


Tuesday, May 17, 2005

Pahiyas sa Lucban, Quezon

The Pahiyas Festival started as a gift-giving ritual by the natives of Lucban to the Franciscan missionaries who were responsible for bringing Catholicism to Quezon in 1583. When Fr. Juan de Placencia took over as the town’s first church administrator, he continued the practice of offering the years harvest to the Spanish friars as thanksgiving for a bountiful harvest. The ritual was carried on by the next parish priest, Fr. Diego de Oropesa, until it became a tradition for the Lucbanins.

May 15, 2005 isa na namang araw para ipagdiwang ang Pahiyas sa Lucban. May 13, 2005 pa lang nasa Lucban na kami, kasama ko ang 3 ko pang ka bileyds na sina Poell, Jayson, at Nico. Papunta palang kami nagkakatuwaan na kami, saVan pa lang wala kaming ginawa kundi tumawa at pagtawanan ang lahat ng dumadaan kahit hindi naman katawatawa. Ganyan kami kapag magkakasama, puro tawanan, kantyawan, asaran, pare parehas kasi kaming walang magawa. First kong ma experience ang Pahiyas at talaga namang hindi mo matatawaran ang kasiyahang mararamdaman mo. Lahat ng bahay na daraanan ng parada ay may kani-kaniyang design ng mga Palay, Kiping, mga Gulay, Prutas at kung ano ano pa.

Kiping - a leaf-shaped wafer made of rice.


Thursday, May 12, 2005

Kaibigan

Sa buhay natin marami tayong nakikilalang kaibigan. May mga panandalian pero may mga tumatagal din naman. Sa isa matatag na samahan maraming kailangang pagdaanan, maraming pagsubok na dapat lampasan, maraming bundok na dapat hakbangan. Kapag ang lahat ng mga pagsubok na ito ay di nyo nakayanan, ang inyong pagkakaibigan ay maglalahong parang bula. Ano nga ba ang sukatan ng matatag na pagkakaibigan? Nasusukat ba ito sa haba ng inyong pinagsamahan? Sa dami ng inyong pinagdaanan? Para sa akin hindi, nasusukat to sa respetong binibigay mo sa iyong kaibigan. Respeto na kapag nawala ay magiging sanhi na pagkawasak ng inyong pagkakaibigan.


Monday, May 09, 2005

Lamat

Lamat, isang salitang napakababaw ng meaning pero may malalim na epekto sa mga bagay bagay na nakapaligid sa kanya. Ang isang basong may lamat ay hindi na magandang inuman sabi ng iba malas daw yun kaya tinatapon na lang. Pero kung ang isang relasyon ay may lamat na, kailangan na rin bang wakasan agad o kailangang isalba mo pa sa abot ng makakaya mo? Di ba sabi nila kapag may lamat na ang isang relasyon mahirap na itong ibalik sa dating saya? Maraming paraan para ituloy ang isang relasyon may lamat na pero kagaya ng isang basong may lamat mahirap na itong ibalik sa dati. May mga mangilangilan din namang relasyon ang nakalagpas sa lamat ng kanilang pagsasama, ngunit mas marami ang hindi nagtatagumpay dahil nahihirapan silang ayusin ang kanilang lamat.


Ikaw, kung ang relasyon mo sa iyong minamahal ay nagkalamat at unti unti ng nababasag anong gagawin mo?


Friday, May 06, 2005

Salamat sa'yo Nanay!

Mother's day.... saan at pano ba 'to nagsimula?

Historians claim that the holiday of Mother's Day emerged from the ancient festivals dedicated to mother goddess. In the ancient Greek empire, Rhea, the wife of Cronus, and mother of Gods and Goddesses, was worshipped. In Rome too, Cybele, a mother Goddesses, was worshipped, as early as 250 BC. It was known as Hilaria, and it lasted for three days, called the Ides of March, that is from March 15 to March 18. However, neither of them meant for the honoring of our immediate mothers, as is done in our Mother's Day. Rather more closely aligned to our Mother's Day, is the "Mothering Sunday".England observed "Mothering Sunday", or the "Mid-Lent-Sunday, on the fourth Sunday in Lent.
<http://www.theholidayspot.com/mothersday/history.htm>
Pero para sa akin hindi na mahalaga kung saan o paano ito nagsimula, ang importante bigyang halaga natin ang ating butihing Ina ngayon Araw ng mga Nanay. Kung hindi dahil sa kanila wala tayo ngayon sa mundong ginagalawan natin, sila ang nagsilbing unang inspirasyon sa buhay natin sila rin ang walang sawang pumupuri sa atin tuwing may nagagawa tayong magandang bagay. Malaki rin ang bahagi ng ating Ina kung anong pag-uugali tayo mreon ngayon, dahil sila ang una nating guro at kaibigan. Ngayong Mother's day wag sana nating kaligtaang batiin sila ng "Ma, happy mother's day", at sana'wag nating ipagkait sa kanila ang kapirasong katagang ito "Salamat sa'yo nanay".


Wednesday, May 04, 2005

Bata

Minsan masarap balikan ang nakaraan... masarap balikan yung mga dati nating ginagawa na hindi na natin magawa ngayon, yun yung panahon na mga bata pa tayo. Naalala ko pa madalas akong manghuli ng mga tutubi noon kasama ang mga kalaro kong limot ko na rin ang mga pangalan dahil madalas kaming lumipat ng bahay. Ang masarap sa pagiging bata eh yung parang wala kang kinakaharap na problema, para bang napakadali ng buhay mo, wala kang iniintindi dahil sa oras na magutom ka takbo ka lang sa nanay mo may pagkain ka ng makakain. Kapag bata ka hindi mo na kailangang isipin kung anong bibilhin mong regalo kapag pupunta ka sa birthday ng kaibigan mo. Tunay ngang wala kasing sarap ang buhay ng isang bata.

Itanong mo sa mga bata
Itanong mo sa mga bata
Ano ang kanilang nakikita
Sa buhay na hawak nila

Masdan mo ang mga bata
Sila ang tunay na pinagpala
Kaya dapat nating pahalagahan
Dapat din kayang kainggitan

- Itanong mo sa mga bata, ASIN (1994)