<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener("load", function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=12412472&amp;blogName=muni-muni+ng+taong+walang+magawa&amp;publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&amp;navbarType=TAN&amp;layoutType=CLASSIC&amp;searchRoot=http://derf79.blogspot.com/search&amp;blogLocale=en_US&amp;homepageUrl=http://derf79.blogspot.com/&amp;vt=4938140305441280619" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" allowtransparency="true" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div></div><!-- --><div id="b-navbar"><a href="http://www.blogger.com/" id="b-logo" title="Go to Blogger.com"><img src="http://www.blogger.com/img/navbar/3/logobar.gif" alt="Blogger" width="80" height="24" /></a><form id="b-search" action="http://www.google.com/search"><div id="b-more"><a href="http://www.blogger.com/" id="b-getorpost"><img src="http://www.blogger.com/img/navbar/3/btn_getblog.gif" alt="Get your own blog" width="112" height="15" /></a><a href="http://www.blogger.com/redirect/next_blog.pyra?navBar=true" id="b-next"><img src="http://www.blogger.com/img/navbar/3/btn_nextblog.gif" alt="Next blog" width="72" height="15" /></a></div><div id="b-this"><input type="text" id="b-query" name="q" /><input type="hidden" name="ie" value="UTF-8" /><input type="hidden" name="sitesearch" value="rebarz99.blogspot.com" /><input type="image" src="http://www.blogger.com/img/navbar/3/btn_search.gif" alt="Search" value="Search" id="b-searchbtn" title="Search this blog with Google" /><a href="javascript:BlogThis();" id="b-blogthis">BlogThis!</a></div></form></div><script type="text/javascript"><!-- function BlogThis() {Q='';x=document;y=window;if(x.selection) {Q=x.selection.createRange().text;} else if (y.getSelection) { Q=y.getSelection();} else if (x.getSelection) { Q=x.getSelection();}popw = y.open('http://www.blogger.com/blog_this.pyra?t=' + escape(Q) + '&u=' + escape(location.href) + '&n=' + escape(document.title),'bloggerForm','scrollbars=no,width=475,height=300,top=175,left=75,status=yes,resizable=yes');void(0);} --></script><div id="space-for-ie"></div>

Busy ka ba? Pahiram muna ng konting oras mo, wala kasi akong magawa.

Monday, May 23, 2005

Utang na Loob

Kahapon tungkol sa Utang na Loob ang topic sa "Rated K", bigla akong napaisip, bukod sa magulang ko kanino ba ako may utang na loob? Sabi nila ang utang na loob daw ay ang utang na hindi matutumbasan ng pera. Kung yan ang kahulugan ng utang na loob, marami na pala akong taong pinagkaka utangan. Pero hanggang kailan ba kailangang tanawin ang utang na loob? Hanggang makuntento ba ang taong pinag kakautangan mo? Anong basehan? Sa totoo lang hindi ko alam, hindi ko alam kung anong basehan at kung hanggang kailan tayo dapat tumanaw ng utang na loob. Siguro, para sa akin, sapat na yung makaganti tayo ng utang na loob dun sa taong pinagkaka utangan natin. Pero bakit ba natin gustong matapos ang utang na loob natin sa isang tao? Siguro dahil, in the first place, hindi mo gustong matulungan nung taong yun, ika nila eh no choice ka na. Ikaw hanggang kailan ka dapat magbayad ng utang na loob?


6 walang magawa:

ang sabi ni Anonymous thesearemyconfessions...

di ko rin alam kung hanggang kelan natin mababayaran ang pagka-utang na loob sa tao. nung inisponsor kami ng kamag-anak namin dito sa australia, sabi ng parents ko may utang na loob kami sa kanila. ang masakit at nakakalungkot nito, yun mismong kamag-anak namin ay inalila ang mama ko. ginawa syang taga-laba, taga-hugas ng pinggan at taga-luto. ayaw nila ipagalaw yun kanilang washing machine so lahat ng damit nila ay nilabhan ni mama sa kamay. nung nakalipat kami ng bahay (nakabili parents ko at bayad na 'to), nabanggit ko sa kanila na matagal na nabayaran namin ang utang na loob sa aming kamag-anak. tama na yun inabuso at inalila si mama. oo, nagpapasalamat kami na nakarating kami sa australia. pero ang tratuhin mo ang isang tao na parang aso ay hindi tama. akala siguro nila porke nakarating sila ng ibang bansa ay kaya na nilang tapak-tapakan ang mga bagong dating na kamag-anak. sabi nga nila hindi natutulog ang dyos. nagpapasalamat kami sa mga biyayang natatanggap namin sa araw-araw. ingatz

Mon May 23, 03:29:00 PM 2005  

ang sabi ni Blogger DarkBlak...

marami talagang taong ganyan... tinulungan ka nga pero kung ano ano naman ang kapalit na hinihingi.

Mon May 23, 04:19:00 PM 2005  

ang sabi ni Anonymous skwayred...

onga no. ako naman ayokong nagkakautang ng loob so as much as possible eh tinutumbasan ko yung ginawa nung isang tao para sakin. ayoko kasing sisingilin ako sa bandang huli. :)

Mon May 23, 06:24:00 PM 2005  

ang sabi ni Blogger jaja...

aku din, ayoko ng may masusumbat yung iba sakin. hehehe. kaya as much as possible, ayoko ng natanaw ng utang na loob. nakakahiya. ewan ko. nahihiya ako sa ganun. hehe. :P

Mon May 23, 11:38:00 PM 2005  

ang sabi ni Blogger DarkBlak...

@skwayred - yup ako rin ayoko ng ganyan :)

@jaja - nakakahiya lang naman ang utang na loob kung yung taong pinagkaka utangan mo eh sobrang kapal ng mukha :)

Tue May 24, 06:04:00 AM 2005  

ang sabi ni Anonymous gbert...

according to a hinese proverb, "when a man saves your life, he'll be responsible for it forever" ok lang na may pinagkakautangan tayo nang loob coz it means, there's somebody who cares for us... bloghopping lang po... gud pm...

Wed May 25, 06:05:00 PM 2005  

wala akong magawa

<< Home