Kaibigan
Sa buhay natin marami tayong nakikilalang kaibigan. May mga panandalian pero may mga tumatagal din naman. Sa isa matatag na samahan maraming kailangang pagdaanan, maraming pagsubok na dapat lampasan, maraming bundok na dapat hakbangan. Kapag ang lahat ng mga pagsubok na ito ay di nyo nakayanan, ang inyong pagkakaibigan ay maglalahong parang bula. Ano nga ba ang sukatan ng matatag na pagkakaibigan? Nasusukat ba ito sa haba ng inyong pinagsamahan? Sa dami ng inyong pinagdaanan? Para sa akin hindi, nasusukat to sa respetong binibigay mo sa iyong kaibigan. Respeto na kapag nawala ay magiging sanhi na pagkawasak ng inyong pagkakaibigan.

5 walang magawa:
hmmm... pwede, kaya lang ang respeto ay hindi nakukuha kung sandali lang ang pagsasama. para sa akin, ang haba ng pagkakilala niyo sa isa't isa ay malaking factor kung paano mai-build up ang respeto.
salamat sa dalaw!
-bing
Thu May 12, 12:19:00 PM 2005
pero kung kulang pa kayo sa respeto sa isat isa, maliit na bagay lang pwedeng makasira agad sa relasyon bilang magkaibigan :)
Thu May 12, 12:23:00 PM 2005
nakakaiyak. wekekeke
Thu May 12, 12:35:00 PM 2005
meron akong dalawang kaibigan na nagkasiraan dahil lang sa maliit na bagay... nakakalungkot isipin yun :(
Thu May 12, 12:37:00 PM 2005
mabababaw sila :)
Fri May 13, 11:04:00 AM 2005
wala akong magawa
<< Home