Bata
Minsan masarap balikan ang nakaraan... masarap balikan yung mga dati nating ginagawa na hindi na natin magawa ngayon, yun yung panahon na mga bata pa tayo. Naalala ko pa madalas akong manghuli ng mga tutubi noon kasama ang mga kalaro kong limot ko na rin ang mga pangalan dahil madalas kaming lumipat ng bahay. Ang masarap sa pagiging bata eh yung parang wala kang kinakaharap na problema, para bang napakadali ng buhay mo, wala kang iniintindi dahil sa oras na magutom ka takbo ka lang sa nanay mo may pagkain ka ng makakain. Kapag bata ka hindi mo na kailangang isipin kung anong bibilhin mong regalo kapag pupunta ka sa birthday ng kaibigan mo. Tunay ngang wala kasing sarap ang buhay ng isang bata.
Itanong mo sa mga bata
Itanong mo sa mga bata
Ano ang kanilang nakikita
Sa buhay na hawak nila
Masdan mo ang mga bata
Sila ang tunay na pinagpala
Kaya dapat nating pahalagahan
Dapat din kayang kainggitan
- Itanong mo sa mga bata, ASIN (1994)

2 walang magawa:
hello..
peborit ko rin ang manghuli noon ng tutubi, maglaro ng luksong tinik o luksong baka, makipaghabulan... iba ang mga kabataan noon sa ngayon.
Wed May 04, 09:11:00 PM 2005
yup tama ka ibang iba na nga....
Thu May 05, 06:17:00 AM 2005
wala akong magawa
<< Home