Kahapon tungkol sa Utang na Loob ang topic sa "Rated K", bigla akong napaisip, bukod sa magulang ko kanino ba ako may utang na loob? Sabi nila ang utang na loob daw ay ang utang na hindi matutumbasan ng pera. Kung yan ang kahulugan ng utang na loob, marami na pala akong taong pinagkaka utangan. Pero hanggang kailan ba kailangang tanawin ang utang na loob? Hanggang makuntento ba ang taong pinag kakautangan mo? Anong basehan? Sa totoo lang hindi ko alam, hindi ko alam kung anong basehan at kung hanggang kailan tayo dapat tumanaw ng utang na loob. Siguro, para sa akin, sapat na yung makaganti tayo ng utang na loob dun sa taong pinagkaka utangan natin. Pero bakit ba natin gustong matapos ang utang na loob natin sa isang tao? Siguro dahil, in the first place, hindi mo gustong matulungan nung taong yun, ika nila eh no choice ka na. Ikaw hanggang kailan ka dapat magbayad ng utang na loob?